Naalala ko ‘yung mga barkada ko 
Treasure True Friendship.
Don’t let distance become a hindrance.

;)

#Back2Work

Naalala ko ‘yung mga barkada ko

Treasure True Friendship.

Don’t let distance become a hindrance.

;)

#Back2Work

now-youthink:

Blessed Sunday everyone
~berna3gurl

Just got home! haha em back with tumblr.
See yah tomorrow ;)

now-youthink:

Blessed Sunday everyone

~berna3gurl

Just got home! haha em back with tumblr.

See yah tomorrow ;)

hahaha i remember Blake!

hahaha i remember Blake!

yeah ;(

yeah ;(

Red Dragons is… For Real!? (Part 3)

Tapos yung part na lumabas na silang lahat para magpakilala every after 2 solo stage gusto ‘ko yun.  Parang sa first part ata yun? Ah basta! Nakatshirt lang sila at pants pero lakas makakarisma nila. Nagsalita sila ng tagalog na dati rin nilang sinabi sa press conference sa Manila Hotel. Takang taka lang ako sino nagturo kay Jun K/Vic ng “Mahal ‘ko, halo-halo.” Halo-halo talaga? Si Junho/Jhick naman txt style ang drama “Miss u kita.” Si Wooyoung/Blake naman “Mahal ko kayo (o mahal kita), salamat po.” Tapos si Nick ata “Mahal ko Pilipinas.” Shems~ umaandar ang kalimot ‘ko!!! Ah basta! Biglang sabi naman ni Troy “You are all hot today” Wahahahahah nagwala ang fans!!! Kainis siya!!! Alam na alam kung pano patiliin ang fans. Sinabi ata ni Nick na “You are all MAGANDA.” Di ‘ko sure pero parang nabanggit yang MAGANDA na word ehh.

Nakakatawa kasi paglabas nila, si Rick ang unang lumabas tapos tinatawag niya si Nick on-mic na, “Nick~ English please.” Di kasi ganun talaga maalam sa English si Rick pero tinatry niya talaga. Yung iba sumisigaw ng “gwentsana” ah basta ang ibig sabihin “it’s okay!”

 image

 

Medyo-medyo si Vic at Blake. At si Jhick, nakakatawa naman eh kung anu-ano pinagsasabi.

image

Nagtagalog pala siya ulit, sabi niya “Gutom na ‘ko.” Sabay hawak sa kalamnan kaya nagtawanan yung fans. Kung anu-ano sinasabi nung dalawa na nagtatawanan yung fans. Di ko naman maintindihan hahaha.

 

image

 

Si Nickhun ang pinakamagaling mag-english at pinaka-nagsasalita sa kanila pero makikita mo sa kanya na ayaw niyang sapawan yung ibang 2pm.

 

image

Tinatawag niya si Troy at Vic para magsalita. O kaya sinasabi niya sa iba na magkorean sila at itatranslate niya naman sa English. Si Troy naman maalam din naman mag-english, pero I think hindi pa siya ganun ka-fluent, may konting glitch pa rin. Si Vic naman, nagtatry talaga siya ng very best niya na mag-english at amsabi sa fans ang gusto niya sabihin.

 

Tinutulungan naman nila Nick at Troy ang grupo para magsalita. Si wooyoung tahimik lang, parang nakakatulog na nga. Pero maya-maya sinabi nila Nick at Troy na may hinanda daw si Blake na kanta na sa tingin nila magugustuhan at alam naming lahat… Ang serious pa talaga ng pagkakasabi nila. Kaya kala naming something serious and very serious performance from Blake. Tahimik na ang MOA Arena ng biglang…

image

Kumanta ba naman ng  Tong tong tong tong pakitongkitong alimango!! Hahaha buong-buo ng kanta, tinry niyang kantahin. Though may part na nilapit na lang niya yung mic sa fans para kantahin ng fans din. Nagtatawanan ang fans pero nakikanta din naman. Iba ka talaga Blake! DABEST

Eto yung ilang link para Makita niyo > http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=b7-29E2rYLc at eto pa yung mas buo http://www.youtube.com/watch?v=DhwAwg0mfzI  Pero eto yung mejo focus na kay Blake at kumakanta na ng tong tong> http://www.youtube.com/watch?v=9Wbt1-riaUQ 

 

Red Dragons is… For Real!? (Part 4)

image

Favorite ‘ko yung mga songs na kinanta nila Heartbeat > http://www.youtube.com/watch?v=P3dIFwFspD0 , 10 vs 10 : http://www.youtube.com/watch?v=KYXWPid2Wl8 , Without you> http://www.youtube.com/watch?v=X55t4n8r2fg ,I’m your man>  Again and Again > http://www.youtube.com/watch?v=e4RQKRxEZFw   http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=pEU6BTv8OpQ , I’ll be back shems: http://www.youtube.com/watch?v=Qbfpf6xCZtc   ~ di ‘ko alam yung ibang title pero kinakanta ko! At syempre ang di mawawala na Hands Up na nagpabaliw sa buong ARENA!!!! nagpeperform. Dalang-dala nila ang crowd, halatang masaya ang HOTTESTPH, nagtatalunan nagsasayawan as in.

 

Yung I’m your man ang isa sa d’best na songs nila hahaha. Kasi ang lambot ng katawan nila sa paggiling at inabangan ang legendary bukas ng polo kita dibdib nila! Hahaha. Si Troy at Rick ang pinaka naghubad at kitang-kita ang katawan ng buksan ang polo. Si Wooyoung dibdib lang kahit hindi naman talaga macho! Haha. Si jun k ata hindi naman nagpakita ng dibdib? O medya lang.. ganun din si jhick at nick.

Tapos ng matapos yun, nagsalita nanaman sila. Silang lahat nagbubutones na ng polo. Hindi ‘ko akalain na ng mag-umpisa ulit silang sumayaw, hahaha may isang nakalimot magsara ng polo!!! Hahahaha. ABA SI BLAKE BUKAS PA ANG DIBDIB!!! Hahaha kita pa rin, di niya sinara.

image

Pero maya-maya nung magsasalita na ulit sila, sinara nanaman niya haha. Nakalimutan lang nemen.

image

Meron dun na kumanta silang naka all white sila, nasa tuktok nanaman sila ng stage na naka-upo sila sa kanya-kanyang upuan at may kanya-kanyang mic. The proposal yata ang tawag sa part nay un. Bago kasi yun may pinakitang video clip na pianpakita yung anim na parang naghahanda ng surprise for someone. Tapos ang main point lang nun ay para proposal pala yun para sa fans.

Ng matapos yung video clip, ayan na! Kala mo mga manghaharana lang sila. Nakakatuwa, at I think na-amaze sila, ng sumasabay yung fans sa kanta nila kahit Korean ang salita. Sabay extend ng arms nila na may hawak na mic para mas lakasan pa ng audience yung pagkanta. Hihihi, na-appreciate nila. Napa-okay gesture si Jun K. Nakangiti naman si Nickhun at yung iba pa. Tas NUNg bumaba na sila kala mo mga anghel na bumaba lang hoho.

;ink ng proposal, kakatuwa ;) >http://www.youtube.com/watch?v=7bRF0K9bZHw&feature=youtu.be

Here’s the link for that video nung song nila > http://www.youtube.com/watch?v=ViTcZRrbmZc

 

Nung nagpamigay na sila ng mga souvenir na malilit na stuff toy, na unfortunately, hindi ako nakakuha, saklap, nagkagulo din ulit ang fans.

image

Sa lahat ng nagpapamigay non…

Kay Troy ako nakatitig kasi nakakatuwa siya tignan ang kulit niya hahaha. Gusto niya kasing bigyan yung mga nasa malayo kaya binabato niya yung stuff toy pero laging bitin! Tapos bigla siyang tutungo na parang “Ouch! Hindi umabot.” Ang cute lang! Tapos kapag mamimigay siya sa VIP naman, ang landeee!!! Hinahalikan niya muna yun tapos titingin sa fans na hahagisan niya saka niya ihahagis o iaabot mismo sa fan. Grabe siya, ewan ‘ko ba!!!!! Nagtry ako kumuha, mga 3 times, kaso sabi ‘ko, wag na nga! Papanuorin ko na lang sila. Hahaha. Si Troy din pinakahuling nagpamigay ng souvenirs. Ang gwapo niya talaga as in! super! FOR REAL!!!! Mapang-akit na ngiti!!!!

 

Ng biglang part na nagsabi sila na last song na nila, sabi ‘ko, hala!!!!! Wag naman! Kasi parang bitin pa talaga… Pero parang pinasabik lang nila ang fans kasi after nun nakarami pa sila ng kanta.

Pinakamagulo ng kinanta na nila ang HANDS UP. Kala ‘ko hindi nila kakantahin. Talagang sumasayaw at tumatalon ang fans. Nakakatakot lang para sa mga nasa Gen AD!!! Baka mahulog sila! Nasa tuktok kaya sila!! Dalawang beses kinanta ang Hands up, sa last song yung isang beses. Yungs a last part ng concert yung maganda kasi nagwawal talaga ang mga fans.

Eto yung link kung gusto niyo Makita ang legendary hans up party! > http://www.youtube.com/watch?v=RO-s5qzJ2eE&feature=youtu.be grabe sobrang saya na parang nagpaprty lang kayo sa loob, hindi siya actually concert na sila lang ang

 

Nakakatuwa kasi habang kinakanta nila yung mga last songs nila, naglilibot sila sa stage at ineencourage nila yung mga fans na sumayaw, na sinunod naman ng fans. Halatang natuwa ang 2pm kasi sumasayaw talaga lalo na yung mga nasa VIP hahaha. EHEM.

 

image

Red Dragons is… For Real!!?? (Part 2)

 

image

Well, after nun, ‘di ko tanda anong sunod pero bumalik sila nan aka white shirt and pants na lang sila. Parang nagsalita ulit sila tapos nag-umpisa ng lumibot ang 2PM sa stage, di na magkamayaw ang mga fans sa pagtake ng pics. Lalo na kaming nasa VIP, nakakatawa, dahil sa hindi naman masikip, para kaming mga dagang nagpapalibot libot sa gitna dahil sinusundan namin kung san magpupunta ang 2pm para mapicturan. Nag-be-bend down sila kaya makikita mo sila ng HARAPAN FACE TO FACE!

Napansin ‘ko lang, parang pumayat ang mga dragons ‘ko. Pero ayos lang, hot pa din.

Nakakatuwa kasi nakikita ko yung buka ng bibig nila at sinasabi na nilang “Thank you” “Kansahamnida.” Tapos para silang nagpapacute sa fans? Haha. Nakakakilig grabe! Lalo na kay Troy??? Nako po ang lakas makapagpakapogi sa fans pati si Nickhun na ang ngiti makapanunaw yelo. Basta ayun!

Pagtapos ng unang kanta… (Magkukwento na ‘ko ng random stuff..)

Di ko na kasi masabi kung ano ang pagkakasunud-sunod. Dahil nalobat na rin ang Cam ‘ko di ko makikita kung anu nga ba ang mga pagkakasunod-sunod. Masama talaga ang loob ‘ko, kung bakit nalobat? Wag na tanungin… Mabibitter ako, as in.

 

Okay.,. Nag-umpisa na ang solo stage nila, umpisa kay maknae!

Chansung o Rick ng RD’origs.

image

Nako, di ‘ko ineexpect na ganun ang solo stage niya. Para niyang sineseduce ang fans sa ginagawa niya. Habang ako naman, tawa ng tawa dahil naiimagine ko yung kasama ‘ko sa hotties na si Ella kapag nakita yung perf. ni Chansung or ni Rick. Unang palo pa lang ng perf. Niya, aba! Gumigiling na ng todo! Pero pinagmamasdan ‘ko din yung mukha niya kasi alam mo yun? Ewan ‘ko ba, naisip ‘ko na baka pagod pa siya dahil kararating niya lang ng Pinas tapos ganto na, sayaw-sayaw na. I admire him for that… wag magselos Ella. Haha.

image

(Yung kanang picture credit sa owner: galling yan sa WE LOVE 2PM fb page.) La pa ko makitang vid ng solo stage niya ;(

Naglakad siya sa extension ng stage sa pinakaharap, gumiling nanaman at halos maloka na yung girls sa pagsigaw. Eh biglang nagtopless TAPOS BINATO YUNG SUOT SA VIP (sa kabilang VIP hindi sa’min, buset.) Nako!!! Nawala na ata sa huwisyo ang girls. Kahit parang pumayat siya, wala ng paki ang girls eh. Ang mahalaga, naghubad siya at gumigiling siya ng walang pakialam sa mga nagpapantasya sa katawan niya. Ewan ‘ko ba, tawa ako ng tawa habang gumigiling siya. Para kasi siyang macho dancer, gusto ‘ko siyang kunin sa bridal shower ‘ko at gumilinggiling siya sa harap ‘ko. Hahaha. Sorry ulit Ella.

After nito nalobat ang cam ko!!! ;(( kaya ngayun gagamit muna ako ng pics na galling sa page WE LOVE 2PM at sa pics ng kasama ‘ko sa concert ;) Credits to the owners

link ng perf niya > http://www.youtube.com/watch?v=LSEz_8XxSaM eto pa > http://www.youtube.com/watch?v=19ojAUKgZgs

image

Next ay si JHICK or JUNHO sa RD DRAGONS, hehe, sanay kasi akong tawagin sila ng RD names nila. One thing na masasabi ‘ko sa perf niya? DAEBAK. Magaling talaga siyang sumayaw, no doubt. Enjoy na enjoy ang paggiling and all stuff, very smooth. Gustong-gusto din niya kapag nagsisigawan ang fans, mas lalo siyang umiindak ng todo-bigay. Nagdrums din siya!! Sa pagkanta, magaling din, with all those high notes? Sabayan mo ng sayaw? I think, sila ni Jun K. or VIC at Wooyoung or Blake ang may pinakamalaking advantage diyan. Napagsabay niya ng maayos ang pagkanta at pagsayaw. Nung hinubad niya naman yung Jacket niya, kala ‘ko ipapamigay niya. SAYANG! Haha.

Link ng solo perf niya > http://www.youtube.com/watch?v=CM8mEmjalsc

TALK AFTER JUNHO AND CHAN PERF .http://www.youtube.com/watch?v=isGDa57YOB8

 

image

(credits o Stepahine Estevez)

Sumunod na ata dito ang NANGGISING SA MGA TULOG PANG PUSO NG MOA ARENA—Si Wooyoung o Blake ng RD! Actually, favorite ‘ko yung isa sa solo stage song niya, Sexy Lady. Hahaha. Nakakahiya ako kasi sinasabayan ‘ko siyang umindak, so what!? Yung iba din naman eh. Maluwag-luwag naman kasi sa pweseto ng VIP kaya makakapanuod at magagwa mo pa ang gusto mo. Hahaha. Tinitignan ‘ko siya, ang serious ng mukha niya, pero yung katawan niya parang kinuryente lang, sayaw kung sayaw na nahyper sa sampung tasa ng kape. Hindi siya numiti during solo stage talagang seryoso, kaya naisip ‘ko tuloy na kabado siya o kaya…. INAANTOK! Hahaha. Pero tumatawa din ako habang pinapanuod siya. Naisip ‘ko kasi, ilang tasa ng kape kaya pinainum kay Blake? Hahaha. Sexy Wooyoung! wushuu

Link ng solo stage niya > http://www.youtube.com/watch?v=_mD1_jUzl9w

image

Si Nickhun o Nick sa RD naman, para siyang anghel na nasa tuktok ng stage!! Ang solo stage niya ay with piano. Nagpiano siya at kumanta ng English song. Alam ‘ko newsong niya yun eh. Actually lahat sila kumanta ng new songs nila sa solo stage. Ang cute ng solo stage niya kasi naman ang mga fans niya naghipan ng bubbles sa buong arena, ang cute! Kaya habang kumakanta siya at nagpapiano, sana nakita niya yung effort ng pinoy fans na naghipan ng mga bubbles during his stage. Ganda kasi, ang ganda ng effect. Ang amo talaga ng mukha niya as in habang kumakanta. May mga naglabas pa din ng banner ng khuntoria during his stage. Hindi siya yung biritero pero yung voice niya kasi masarap pakinggan. Nafeel ‘ko na tuloy ang feeling ni Victoria during WGM episode na kinantahan siya sa yatch. Kinikilig tuloy ako at that time, pilingera kasi ako, feeling ‘ko hinaharana ako ni Nick! Hahahaha.

 Wala pa ko makitang vid ng solo stage niya ;(

image

Next ay si Jun K o si Vic, and lead vocal ng grupo. Wala ka ng masasabi kay Vic, kasi ang galing niya talaga kumanta at maganda talaga ang boses niya. Hindi ‘ko alam kung san niya ba hinuhugot ang boses niya kasi sa kanilang anim, siya ang may pinakamaraming part ng kanta at matataas pa. Tapos ng nagsolo stage siya, grabe! Yung part dun na bumirit siya bigla ng napakataas may balak atang sabayan si Jessica Sanchez nako ang galing talaga, though medyo sabog lang ang speakers ng MOA. Saws. Pero super galing talaga. Total Performer.

 Link ng solo stage niya > http://www.youtube.com/watch?v=HcqM3GXKwlQ&feature=youtu.be

TALK AFTER JUN K AND NICK SOLO > http://www.youtube.com/watch?v=gzvyF8QqYe8

image

LAST, ang dahilan kung bakit nanalo ako sa MNET kasi siya ang pinili ‘kong hottest sa 2pm. It’s the captain’s turn!! TROY HARRIS SMITH—-Ay Taecyeon pala! Mula siya sa taas din ng stage na umangat din mula sa baba. Para sa’kin, siya na ang pinakahot ‘kong nakita na terno ang damit, pants at coat na parang pajama, pero looking super duper hot pa din!! May suot siyang headset kaya nagtaka pa ‘ko kung ano gagawin niya, yun pala mag di-disk jockey siya. Alam mo yung, yun palang yung ginagawa niya pero yung mga babae parang nanlalambot na mga tuhod. Parang ako ata yun? Hahaha. Lalo na ng magsalita siya na parang hinugot sa ilalim ng kalupaan na parang kinayod na yelo na parang…. BEDROOM VOICE!!! “Are you having fun tonight?” at “Let me try something else.”  Yung pagkakasalita niya pa, susme!!! Parang kiniliti ang kalamnan ‘ko. Kaya parang pakiramdam ‘ko ng sabihin niya yan, nayanig ang arena dahil sa tilian at sigawan ng fans! After niya yan gawin, bumaba na siya mula sa tuktok ng stage at nagrap, of course. Actually, nakatitig lang ako sa mukha niya, wala akong naintindihan sa song eh. Hahaha. Pero parang ang pagkaka-intindi ko ata ‘sa rap niya eh “I love you Manager I love you I love you!” hahaha. Managarap ka… lalalalala.

Link ng solo stage niya > https://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=ZX4GuABESrg

RED DRAGONS is… FOR REAL! by Manager ;)

(CREDIT SA LAHAT NG MAY ARI NG VIDEO FROM YOUTUBE;) AT PICTURES FROM PAGES OF WE LOVE 2PM, TAECYEON AND SUZY (DREAM HIGH), IT’S 2PM-HOTTEST, AT SA MGA TAONG SINA ECEL PALAD, JONAH DESONIA, LARA MAE BINUYA, STEPHANIE ESTEVEZ, AT AKO!-LOLS. )

Okay! Okay! Hinga muna bago basahin ang mga susunod. Pero paalala lang, kng hindi ka fan ng 2PM Korean Group, wag mo na ‘to basahin, ‘di ka makakarelate. Kung ayaw mong alamin ang bagay-bagay sa’kin before, during, and after the concert, wag mo na basahin.

Para din kasi to sa mga nagtxt at nagmessage kung kamusta daw ako after the concert, kamusta ang concert, anong nigawa nila. Para di na me mahirapan magkuwento mga dears, bashain nyu na lang ire.

Kung fan ka naman ng 2PM at hindi ka nakapunta nung concert, basa-basa din para mafeel mo ang mga kaganapan ng minsang magpasabog ng hotness ang anim na dragon ng RD Austine University dito sa Pinas, MARCH 2, 2013.

image

Okay, let’s start it.

Kumbaga sa taong nagswimming, ang feeling ‘ko ‘til now… Lumulutang pa rin.

Pano nga ba nag-umpisa? Well, hindi kasi ako yung taong nag-iipon para manuod ng concert. Not my type… Pero thank you talaga sa malikot ‘kong mga mata sa facebook, nakakita ako ng promo sa MNET Global page. I won, of course, lowerbox ticket ang panalanuhan namin. Happy na talaga ako non at sobrang sumisigaw ako ng “Omaygasshhh!!”

 

MARCH 2, 2013, this is it!! Walang kahit ano akong nararamdaman nung paggising ‘ko. Ang totoo pagkagising ‘ko ng 7am, nagcomputer ako, nag-update sa RD Page at nagstatus tapos natulog ulit. Gumising ako ng 9am, masaya na ‘ko kasi parating na si Chansung na nahuli ng dating sa Pinas. 11am ako umalis ng bahay dahil dadaanan ‘ko pa yung I.D. ‘ko sa OJT ‘ko para makuha ‘ko yung ticket ‘ko.

image

Nasa MOA na ‘ko mga 1:30pm at kumain muna akis, ang sabi kasi sa email 2pm makukuha na ang ticket. Gusto ‘ko na ring makita kasi yung mga kaganapan sa MOA Arena kaya early bird ako.. Alam niyo na manager… hahaha. 2pm pumunta ako sa ticket booth, pagdating dun ang sakit sa kulot ‘kong hair, bakit? WALA PA DAW TICKET NA NABIBILIN SA KANILA FROM MNET. HAHAHA. Sabi ‘ko, nakakahiya naman sa mga readers kung hindi pala ‘ko makakapunta. Pero naghintay ako ng mga 5pm baka nalate ang MNET, you know? Baka nauso din ang Filipino time sa kanila.

image

Around 3pm, may nagsisigawang fans na 2PM! 2PM! 2PM! Sabay tili!!!! Kala ‘ko kung ano na! Pinuntahan ‘ko pa kung san galing yun sabay pagdating dun…. PRACTICE LANG PALA! Haha. Kaya balik ako sa kinauupuan ‘ko. Pero dahil dun mahahwa ka sa excitement nila. Hihihihi Yung feeling na sigaw sila ng sigaw tapos ikaw naman nahahawa na din sa pagngiti ng walang hanggan. Sabi ‘ko, hindi muna ako sisisgaw, reserve ‘ko muna para mamaya. Bumalik na lang ako sa tapat ng ticket booth ulit kasi baka pumila ako dun kasama nila eh la pa kong ticket haha.


image

Ako lang mag-isa, nakakabore talaga kaya ‘di ’ko na natiis, kinausap ‘ko yung isang girl na umupo sa tabi ‘ko, si Stephanie Esteves. VIP ang ticket niya at ako? Wala pang ticket hahaha. Okay na ang pagiging fangirl ‘ko kasi may lightstick na ‘ko, banner, at medium size placard. (Not expecting na magpapakafangirl ako. Hoho.) Nasabi niya na wala pa siyang kahit anong hahawakan sa concert. Hahaha ako na ang hindi prepared kasi sabi ‘ko “Gusto mo gumawa? May mga colored paper ako tsaka mga pentel pen at scatch tape.” Hahaha yana ang manager!

5PM nakameet pa ‘ko ng ibang fans at pati na rin yung ibang nanalo ng ticket from MNET, si Kenneth and Gizelle, si Charina na reader din from watty waley pa. Sabi ‘ko, kunin na naming ang ticket. Ang cool ‘ko, pero sa utak ‘ko… Please!!! I want this!!! Sana meron na!!!! Pero ayun!! Maya-maya, biglang hiningan ako ng I.D. at nakahinga na ‘ko ng maluwag, at nakangiti na ‘ko ng napakatago! (If you know what I mean)

 

image

(Ang pangetsss k diyan pero no choice wala ng ibang kuha, pagtyagaan k na to. LOL)

Pero maya-maya narinig ‘ko yung dalawa ‘kong kasamang nanalo, tumili, sabi ‘ko, bakit!??? Sabi nila, VIP YUNG TICKET!!!! AS IN WOW! Ako nun, dahil lowerbox lang ang sinabi sa’min. Kaya mas lalo akong na-excite at gusto ‘ko ng pumasok sa loob! HAHA.

image

Tapos during the time ng kagalakan ko sa ticket, kakatawa lang ng may lumapit sa’king dalawang readers. “Ate Berna, kanina ka pa namin tinitignan.” Susme, kakatakot ang peg, kanina pa pala may nakatingin sa’kin. Haha. Picture-picture, of course. Tumitingin yung iba, nagtataka bakit may nagpapaicture sa’kin. Hahaha susme agaw eksenA eh. Sorry!! Hindi ‘ko manlang natanong ang name niyo after, tinag niyo ‘ko sa pics, Ecel and Kina.

 

image

(credits Ecel Ileanor Palad picture)

After nun, pumila na kami at ang lahat ng fans nagwawala na sa sigawan.

Pero ng mag-umpisa ng magpapasok, mas naramdaman ‘ko ng ETO NA YUN OH!!!

First time ‘ko sa MOA Arena kaya ng makapasok na kami sa mismong loob ng arena… Para kaming mga batang nagtakbuhan papasok dahil nakakaexcite makita yung stage ng 2PM sa loob! Ang pwesto namin, nasa mismong katabi ng stage. Tipong parang kinulong kami sa loob ng stage nila. Kaya pede kami magpa-ikot-ikot sa loob para sundan ang 2pm kung sang side man sila magpunta sa stage.

 

image

Matagal din kaming naghintay at matagal din akong nangamba na baka hindi dumami ang tao. As in ang konti ng tao, para lang akong manager nila na kinakabahan na baka sumilip sila at makita nilang walang masyadong tao.

May part ng paghihintay namin na biglang nagsigawan ang fans.. sabi si wooyoung daw dumaan sa gilid ng stage. Pero parang hindi naman kasi di na magpapakita yun agad kung sakali. Pero sa imaginations ko kung si Wooyoung ay si Blake, baka oo, hahah tipong nawala nanaman sa sarili at napadaan sa stage lang. =__=’pokerface ala blake.

image

Pero maya-maya, biglang BOOM! 5-10 minutes ng time bago nag-umpisa,unti-unti ng napuno kahit may konting butas pa din sa seats. Pero feel mo na ang concert na madaming tao.

Maya-maya ulit…. Nako!!!! Biglang namatay ang ilaw!!

image

Alam mo yung feeling na parang nasa elevator ka tas yung puso mo parang lumulundag ang feeling? HALA!!! ETO NA!! Nagsisigawan na ang fans at nagumpisa ng magbukas ng lightstick. Ang una ‘kong sigaw … “MAKIKITA ‘KO NG DRAGONS ‘KO!!!!! GRABEEE!!!!”

Wapakels kung anong isipin ng iba dahil sumisigaw din naman sila, hahaha.

Biglang nagflash sa screen ang pinaka intro ng concert. Pinakita isa-isa ang 2PM. Ang astig ng video nila, para silang mga heroes sa pelikula. Bwat flash ng pangalan sa screen tiniliaan ng fans, walang nagpahuli. Parang maloloka na kami sa kakatili, dagdagan mo pa ng sounds na nakakakaba.

 

image

Ng malapit na matapos ang pagpapakilala sa screen, naghahanapan na kami kung san kami titingin. Di namin alam san lalabas ang 2PM. Ng bigla silang umangat sa pinakaharap ng stage, sabi ‘ko na lang “OMAYGASSSSHHH!!!” Natutuwa talaga ako kahit likod na part pa lang nila nakikita namen at that time hahaha. SEXY BACK!

Pero ng makita ‘ko na isa-isa ang mukha nila, yung feeling na na-starstruck, hindi yun ang nafeel ‘ko. Na-feel ‘ko yung nakita ‘ko ulit ang dragons ‘ko… Pakiramdam ‘ko family ‘ko sila na ngayon lang kami ulit nagkita, nakangiti ako ng sobra-sobra. Ngiting abot kalsda! FBBF fans must relate to this feeling, or maybe not? Dahil sa ako lang siguro ang author kaya ganun. Pero iba ang feeling dahil matagal-tagal akong sumulat ng story na sila ang nasa imaginations ‘ko kaya ayun. Nakakagalak talaga.

GANTO NGA KASI YUNG FEELING > http://www.youtube.com/watch?v=L7da_A5meMs

PERF> http://www.youtube.com/watch?v=0qxBGZlCloY

image

Hindi ‘ko alam kung san ako titingin… Kung kay Troy ba? Kay Rick? Kay Blake? Nick? Jhick o Vic? At that time, parang gusto ‘kong magkaroon ng anim na pares ng mata para lang matignan ‘ko sila ng sabay-sabay. Umpisa pa lang pero pawis na pawis na ang 2pm, umpisa pa lang todo bigay na kasi sila sa pag-indak. Kahit na dalawa o tatlong bese ata nawala yung music at mic nila habang nagpeperform, tuloy lang ang performance at tuloy ang tilian!! Haha.

 

image

Ng matapos yung intro perf nila, nagpakilala sila as 2PM sa audience ayun nagsalita sila ng tagalog. Pero unang pakilala nung ibang member Korean ang salita except kina Taecyeon at Nickhun na English ang ginamit na greetings. Medyo nakakagulo lang yung screen sub sa likod nila kasi hindi naman sabay at ‘di naman yun yung sinasabi nila mismo.

LINK NG TALK > http://www.youtube.com/watch?v=ABa__BnfBBA

Red Dragons is… For Real!? (Part 5)

Nakakatuwa kapag humihinto sila at nagbebend down sila sa’min mga nasa VIP o umuupo sa stage para mapicturan sila at mahawakan sila ng fans.

image

 Advantage talag ang mga nasa VIP kasi malapitan talaga makikita mo sila at makakamayan. HAHAHA NAHAWAKAN KO SI JHICK AT RICK!!!

image

Si jhick as in nagsabog siya ng karisma sa Arena ang gwapo niya! Ang lakas ng appeal niya. ANg dami niya kayang fans dun!!! Nakakatuwa siya kapag nagsmile siya at gustong-gusto niyang nagpapaicture siya.

Siya yung pinakaumuupo sa gilid ng stage para malapitan siya ng fans. Kapag sila Troy kasi sandali lang minsan hindi pa nga kasi naman…. HAHAHA HINAHATAK SILA!!

Sabi nga nung ibang mga comments sa youtube fancam vids o sa mga albums, si Junho/Jhick daw ang Bais Wrecker. Kasi totoong ang lakas ng karisma niyas a personal and total fan service talaga ang binigay niya sa fans.

Pero lahat sila as in, nakaface to face ko!! Dahil tuwing magbebend down o magcrouch sila nilalapitan ‘ko agad para mapagmasdan sila. Para talaga lang akong manager na nakangiti sa kanila kapag malapit na sila. Natutuwa akong finally nakita ko na sila ulit (It feels like nakita ko na kasi sila kahit sa imaginations ko lang).

 

image

Ng matapos ung ilang song sa last part, nagsalita ulit sila. Last words nila.. Nagthank you sila at nangakong gagalingan nila sa next performance nila sa Filipino Fans. Nagtaka tuloy ako, sabi ‘ko next performance??? Biglang nagsalita si Troy na babalik sila, definitely. Nakakatawa pa dahil bago makapagsalita si Troy, susme!! Ginigiba ata ng fans sa sigawan pag si Troy na lagi ang magsasalita. Tuwang-tuwa naman siya habang nagsisigawan ang fans with their new album. Naka-angat yung mic niya at yung hands niyang isa eh parang ineencourage niya pang lakasan ng iba ang pagsigaw. Ng sinabi niyang sa lahat daw ng napuntahan nilang countries, siguradong, ang Philippines daw ang HOTTEST. Kaya lalong nagsigawan pa yung iba. Inisip ‘ko, sa’min niya lang kaya sinabi yun o pati sa ibang countries din? Sana sa Philippines lang.hohoho. Si Nick din sinabing da’best daw ang fans dito. Sana nafeel nila ang masayahing pinoy during the concert. Si Vic naman nagsabing maghahatid pa sila ng better and new songs. Nung sinabi nilang babalik sila, nakaka-iyak lang kasi kahit hindi talaga napuno ang Arena, Phil. Hottest give their BIG LOVE to 2PM para hindi nila mafeel na hindi napuno ang arena as in, worth it. Si Rick at Jhick, Better performance. May nagtatranslate bawat salita nila, pero medyo nainis ako kasi ang bagal ng translator at parang bata pa ata yun hahaha. Pero thanks to her, naintindihan naman namin ang ilan sa sinabi nila. Sa last nagsalita ng English si Blake
“We can’t forget your love. We will be back soon. Mahal kita. Salamat po (We love you. Thank you),” Wooyoung said. Sabi ni Nick “I want to thank you guys for the love and support. Tonight was mind-blasting, one level above mind-blowing.” Nichkhun said. Nagsabi din si Taec na This year we are going to make a comeback. We will be back with a brand new concert,” 

Here’s the link para mapanuod nyu yung messages nila > 

LAST TALK (FULL)

1: http://www.youtube.com/watch?v=oI9OvbP3z5o

2: http://www.youtube.com/watch?v=-5asFAwwrUg

(kung andyan ka mangingiyak ka sa tuwa at lungkot ewan! Mix emotion)

Article naman ‘to sa ilang nanyare din sa concert > http://www.officiallykmusic.com/2pms-concert-in-the-philippines-was-the-hottest/?wt=2

 

Hindi napuno ang arena pero sa lakas ng sigawan syawan kantahan ng fans!?? Grabe parang napuno na din ang arena sa sobrang saya. Wapakels na sa sobrang saya sa loob.

Ng nagsabi silang aalis na sila at babalik na din ng Korea kinabukasan, medyo nangiyak-ngiyak ako. Nakakatawang isipin na ang feeling ‘ko aalis talaga ang mga dragon ko at iiwan nila si Manager. >__< Ang tingin ‘ko talaga sa kanila mga kakilala ‘ko na… Not just… 2PM Korean group. Red Dragons kasi sila ehh…

image

 

BIGLANG NAGKASABUYAN NA NG CONFETTI NA ANG BONGGA SA SOBRANG DAMI!!!!!! >  http://www.youtube.com/watch?v=wGPDCm0b_fI

image

PATI 2PM NAGULAT HAHAHA ANG LAKAS NG PAGKAKASABOY NA MAGSASALITA SILA DI NILA AGAD MAGAWA DAHIL NAKAKAIN NILA YUNG CONFETTI.

image

PERO MASAYA!! SI TROY KAYA PINAKANATUWA SA CONFETTI PARANG BATA.

Red Dragons is… For Real!? (part 6)

After that, nagsayawan at nagkantahan nanaman. At nagkaroon ng fan service wherein yung 2pm lalapit na sa fans para magpapicture and all that.

image

Time to take pictures na. Humihinto sila sa bawat side para magpapicture.

Nakakatuwa kasi kinukuha nila yung camera nung iba tapos sila mismo ang kukuha sa sarili nila. Ang cute!! Si Rck Troy at Nick ang nakita ‘kong gumawa nun, not sure sa iba.

Eto yung isang video na patunay na talagang lumalapit sila sa mga HOTTEST. GANYAN KALAPIT AS IN!!!! > http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=BU78Jx1aG0s

 HANDS UP ENCORE> http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=lxAqKEs-DDk

image

Si Vic naman, grabe ang dami niyang gifts!!!! Binibigay nga sa ibang 2pm yung gifts ni Vic para ipaabot sa kanya eh.

 

Si jhick naman, binigyan ng shirt na I love Philippines. Sinuot niya kaagad at nagtagal talaga siya bawat side para mapicturan siya at makipagkamay. ANG BAIT NIYA! Eto yun oh > http://www.youtube.com/watch?v=NDG2OK6GnV4 total fan service talaga si Junho!!!! Dahil sa kanya nagkakandabaliwbaliw ang fans.

Si Nickhun na siguro ang pinakamatyaga sa lahat. As in buong palibot ng stage huminto siya, nagpapicture, nagbow, at nagsabi ng THNK YOU.

image

Nakakatawa naman si Rick, habang umiikot siya sa buong stage, nagtethank you din siya at nagpapicture. Ng maya-maya, naghubad ang loko at nagpalakad-lakad sa stage edi ang mga fangirls naloka na dahil nafifeel na nilang mamimigay nanaman ng biyaya tong si Rick haha.

image

Hahahaha sabay tingin ni jhick sa kanya na “Tignan mo tong isang ‘to, pasikat.” Pero nakakatawa kasi ‘di mo malaman kay jhick kung huhubarin niya ba yung shirt niya din o hindi hahaha. Nakakatawa yung reaksyon niya kaya. May nakakuha pala ng pic ni junho during that scene haha, sakto. TATLONG BESES KAYA NAGHUBAD SI RICK SA CONCERT! Yung isa semi hubad lang ng top shirt, yung dalawa, topless. Andyan din sa pic yung sinuot na shirt ni Junho na bigay ng fan. Credit sa owner ng pic, kaso walang nakalagay ehh nakuha ko lang yans a WE LOVE 2PM page.


At pinamiga na nga niya ang kanyang shirt sabay lakad lakad sa stage na mukhang tambay sa kanto lang kasi topless haha.

 video link> http://www.youtube.com/watch?v=vF-XmmGJYEE

Tapos maya-maya, as in tumawa ako ng malakas ng mapatingin ako sa screen, nakita ‘kong nagwawala si Blake sa pagsayaw!!!!!

image

Hinanap ‘ko agad kung na’san ang antukeng yun! At ayun nasa isang side ng stage at nakaharap sa fans na parang kitikiting sumayaw dun!!! As in matatawang ewan ka sa kanya. Hahaha. Nabaliw na din ata sa sobrang saya ng concert!

 

Si Troy naman nakakatuwa lang talaga kapag kinukuha niya yung camera ng iba tas siya ang kumukuha sa sarili niya kasama nung mga fans sa likod niya. Nagthnk you din siya sa bawat mapuntahan niyang side ng fans.

Unang umalis ata si Jun K, sumunod si Blake, Rick, tapos si Jhick, Si Nick at Troy ang huli. Si Troy ang last na kala naming kung ano gagawin…

image

Biglang kumuha ng confetti at sinaboy sa katawan niya. Ewan ‘ko dun, nabaliw eh. Sabay tawa ng fans. Dalawang bese niya yan ginawa. Kabaliwan eh.

image

(Credits ng pic sa Taecyeon and Suzy (Dream High) Fan page)

Here’s the links sa kabaliwan ni troy!! > http://www.youtube.com/watch?v=Cb-pCceilKk